Add parallel Print Page Options

Pagka ikaw ay dumaraan (A)sa tubig, (B)ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad (C)sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.

Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas (D)sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang (E)Egipto, ang Etiopia at ang Seba.

Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.

Read full chapter